Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1625

TULONG PINANSYAL SA MGA KINAKAPOS NA MAGSISIPAGTAPOS, IPINAGKALOOB

$
0
0

 

Pinagkalooban ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang 1,865, first at second batch ng mag-aaral na tumanggap ng taunang “Tulong Pinansyal sa mga Kinakapos na Magsisipagtapos” na ginanap sa Multi-Purpose Hall, March 13 at 15.

“Ang pamahalaang lungsod ng San Pedro ay tumututok sa mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkalusugan at pang-edukasyon. Ang proyektong ito ay umaalalay sa ating mga kapus-palad na kabataang taga San Pedro,” ang pahayag ni dating Mayor Calixto R. Cataquiz.

Ang mga mag-aaral na mahihirap mula sa elementarya, senior high school at kolehiyo ang nabiyayaan ng tulong pinansyal sa pangangasiwa ni Fatima C. Autor at kanyang staff sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na umabot sa mahigit dalawang milyong piso. Samantala, patuloy pa rin ang pamimigay para naman sa third batch ngayong Marso 25 para sa karagdagang 1,018 pang mag-aaral.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Coun. Delio Hatulan, Coun. Bobot Berroya, Coun. Bernadeth Olivares at Coun. Jimbo Ambayec.

Photos by: Thirdy Caponpon/Mariel Dela Cruz

The post TULONG PINANSYAL SA MGA KINAKAPOS NA MAGSISIPAGTAPOS, IPINAGKALOOB appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1625

Trending Articles