Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

UNIVERSAL CHILDREN’S MONTH IDINAOS SA CITY HALL

$
0
0

 

Nagdaos ng isang makulay na Parade of Nations ang mga mag-aaral ng Day Care Centers na bahagi ng pagdiriwang ng Universal Children’s Month na may temang “Isulong Tamang Pag-aaruga sa Bata” sa Atrium Hall ng Lungsod ng San Pedro noong November 9, 2018. Ito’y pinangasiwaanng City Social Welfare and Development Office Head Fatima C. Autor. Pumarada ang mga bata mula sa 50 Day Care Centers na suot ang National Costumes ng iba’t ibang bansa. Nagtanghal din ang mga finalists sa Folk Dance, Song, Poetry, Chorale at Draw and Tell categories na kakatawan sa Lungsod ng San Pedro sa gaganaping Provincial Competition sa November 27, 2018. Naging panauhin sa nasabing pagdiriwang sina Konsehal Edgardo M. Berroya at Jamie R. Ambayec. Sa kanyang mensahe ay binanggit ni Ms. Autor na ang pag-aalaga ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa Lungsod ng San Pedro ang siyang dapat pamarisan sa pag-aaruga sa mga bata. Ipinahatid naman ni Konsehal Berroya ang mga programa ng Lungsod ng naglalayon na mapangalagaan ang mga kabataan. Natapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang group singing kasunod ang paglilibot ng nga ito sa opisina ng City Hall.

Photos by: Joey Castillo

The post UNIVERSAL CHILDREN’S MONTH IDINAOS SA CITY HALL appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles