Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1593

RA7279 IPINALIWANAG SA MGA OPISYALES NG BARANGAY

$
0
0

 

Nagsagawa ng “Orientation on Republic Act 7279 (Urban Development and Housing Act of 1992)” ang City Urban Development and Housing Office (CUDHO) sa pamumuno nina Ms. Lizza Tipon at Anti-Squatting Head Arlene Quinto para sa lahat ng opisyales ng barangay noong September 28, 2018 sa Pavilion Hall. Naging tagapagsalita si Ma. Elizabeth Avila mula sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP). Kaniyang ipinaliwanag na tungkulin ng barangay na ipatupad ito upang maiwasan ang mga informal settlers, professional squatters at squatting syndicates. Ang batas na ito ay naisagawa ng dating senador Joey Lina para maproteksiyonan ang mga “homeless and under privilege citizens”. Dagdag pa nito, pwede ng paalisin ang mga nakatira sa danger areas, easement of creek, ilalim ng tulay, tabing kalsada at anumang pag-aari ng gobyerno na wala nang kakailanganing proseso at dokumento. Ayon naman kay CUDHO Head Tipon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga barangay officials na tumulong sa pagpapatupad at pagpigil sa pagdami ng mga Informal Settlers Families (ISF) sa kanilang barangay. Napakahalaga nito upang malaman nila ang tamang proseso at solusyon sa ganitong problema. Photos by: Joey Castillo

The post RA7279 IPINALIWANAG SA MGA OPISYALES NG BARANGAY appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1593

Trending Articles