Itinatag sa Lungsod ng San Pedro ang Confederation of Persons With Disability sa isang forum na ginanap sa Atrium Hall noong September 28, 2018 sa pangangasiwa ni City Social Welfare and Development Head Fatima C. Autor at Raymond E. Mindanao, Focal Person ng Office of Persons with Disability. Ito’y dinaluhan nina dating Mayor Calixto R. Cataquiz, Konsehal Edgardo Berroya at ng 48 na kinatawan mula sa mga Barangay, Autism Society of the Philippines, Association of Empowered PWD, Kasama Ka of Langgam Inc., CBBC Deaf Group at mga paaralan na may Special Education Program. Sa kanyang mensahe ay binigyan diin ni CSWD Head Fatima C. Autor na ang PWD ay isa sa walong programa ng tanggapan at ang pagbuo ng Confederation of PWD ay tungo sa kaisahan ng layunin ng mga ito. Dito’y inihalal ang mga unang opisyal ng confederation na pinangunahan ni Elmer Monzales ng Barangay Poblacion bilang pangulo. Photos by: Joey Castillo and Thirdy Caponpon
The post CONFEDERATION OF PWD ITINATAG SA SAN PEDRO appeared first on .