Masiglang-masigla ang ating mga nakatatanda sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week o Linggo ng Nakatatandang Filipino na may temang: “Kilalanin at Parangalan: Tagasulong ng Karapatan ng Nakatatanda, Tungo sa Lipunang Mapagkalinga”, na ginanap noong Oktubre 1-5, 2018.
Sa isang linggong pagdiriwang ay kanilang napatunayan at naipakita na hindi hadlang ang edad upang maging aktibo sa anumang gawain. Kanilang pansamantalang pinamunuan ang pagpapatakbo ng lahat ng departamento upang alamin ang mga responsibilidad ng mga ito, lalo na ang mga problemang kinakaharap at ang mga posibleng solusyon sa mga ito.
Sa huling araw ay nagsagawa ng programa na nagbigay kasiyahan at nagpakita ng kanilang mga talento sa pagsayaw at nagbahagi ng kanilang mga natutunan. Sa kaniyang mensahe ay nabanggit ni Executive Assistant Aaron Calixto R. Cataquiz na ang pagdiriwang na ito ay laging inaabangan dahil sa ganitong paraan ay kanilang nakikita at nalalaman ang mga programa at proyekto ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.
Ang mga naglingkod na Senior Officials ay sina Senior City Mayor Bienvenido Quizon ng Barangay Nueva; Vice President Carlito Ramirez ng San Vicente, Councilors Maria Reyes, Rolando Zaguirre, Manuel Lualhati, Erlinda Tabirao, Paquito S. Samson, Irene Epino, Marilou Sibolboro, Vilma Mandac, Flor Malazo Crestita Perez, Senior ABC Pres. Virgilio Harina, Senior SK President Luzviminda Rubio kabilang ang mga itinalagang Senior Department heads.
Kabilang sa dumalo ay sina ABC Pres. at CASCASPI Pres. Diwa T. Tayao, Coun. Jamie Ambayec, CASCASPI officers at mga guro ng Day care centers sa pangangasiwa ni CSWD Head Fatima Autor na naganap sa Atrium hall noong October 5, 2018.
Photo by: Thirdy Caponpon
The post MASAYANG PAGDIRIWANG NG LINGGO NG NAKATATANDA appeared first on .