Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ang Buwan Ng Wikang Pambasa na may temang “Filipino: Wika Ng Saliksik”. Ginanap ang isang makulay na palatuntunan na pinamagatang Tawag Ng Wikang Pambansa sa San Pedro Astrodome noong ika-31 ng Agosto 2018 sa pangangasiwa ng Tourism Culture and Arts Office.
Naging panauhin sina Konsehal Bernadette O. Cuevas, Jamie R. Ambayec, Edgardo M. Berroya, Carlon S. Ambayec at Kent S. Lagasca. Dumalo rin ang Director ng PUP San Pedro Campus na si Dr. Elmer De Jose. Sa kanyang mensahe ay binigyang diin ni Hon. Edgardo M. Berroya ang kahalagahan ng Wikang Pambansa sa pagpapalaganap ng karunungan kasama na ang Agham at Matematika.
Umani ng paghanga sa mga manonood ang panauhing San Pedronian na si Rovalyn M. Bautista mula sa UP College of Music sa kanyang rendisyon ng awiting “Ang Maya”.
Ang Isahang Tinig at Dalawahang Tinig ay nilahukan ng mga mamamayan at Senior Citizens ng San Pedro. Naging mahigpit ang labanan ng mga kalahok mula sa ibat-ibang Junior at Senior High Schools ng lungsod sa Madulang Sabayang Pagbigkas, Deklamasyon (Hinagpis ni Sisa) at Dance Drama (Isang Lahi).
Ang mga nagwagi sa iba’t-ibang kategorya ay ang mga sumusunod. Isahang Tinig: 1. Roger Luntayao 2. Iris Apido 3. Cedric Gallo Dalawahang Tinig: 1. Rebecca at Rodolfo 2. Patricia at Rogelio 3. Rina at Leonides 4. Rosita at Leonardo Madulang Sabayang Pagbigkas: 1. Jesus, the Faithful Savior Christian School 2. IETI College of Science and Technology 3. United Montessorean School 4. Agnus Dei School Systems, Inc. Deklamasyon 1. IETI College of Science and Technology 2. Upper Village Christian Academy 3. SPRCNHS – Main Campus 4. San Lorenzo School Dance Drama: 1. Upper Village Christian Academy 2. Agnus Dei School Systems, Inc. 3. Academia Institucion De San Pedro 4. Liceo De San Pedro.
The post BUWAN NG WIKA 2018 appeared first on .