Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1578

PANUNUMPA NG MGA PARENT FEDERATION AT PARENTS COMMITTEE OFFICERS

$
0
0

Nanumpa kay City Executive Assistant V Aaron Calixto S. Cataquiz ang Parents Federation Officers at Parents Committee Officers ng Day Care Centers na pinangunahan ng Pangulo nito na si Rowena Baricuatro. May bilang na limang daan (500) mga magulang mula sa iba’t-ibang barangay, na handang tumupad sa kanilang mga tungkulin, tulad ng pagpapatupad ng mga programa at proyekto ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.
Ayon naman kay Executive Assistant Aaron Cataquiz ay bukas ang kanyang opisina at kinakailangang makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan upang maibigay ang mga pangangailangan at maihatid ang nararapat na serbisyo ng pamahalaan. Dagdag pa nito, maituturing na isang bayani ang mga magulang dahil sa pag-aalaga sa kanilang mga anak. Ang pagiging aktibo ng mga magulang, mag-aaral at mga guro ay tungo sa natatanging layunin, ang ikabubuti ng mga mag-aaral.
Nakiisa rin sina Coun. Edgardo Berroya,Coun Jamie Ambayec, mga guro at mag-aaral sa pangangasiwa ni CSWDO Head Fatima Autor na naganap noong Agosto 29, 2018, sa Atrium City Hall of San Pedro.

The post PANUNUMPA NG MGA PARENT FEDERATION AT PARENTS COMMITTEE OFFICERS appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1578

Trending Articles