Isinagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region IV-A katuwang ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang “Listong Pamayanan Training” noong ika-23 – 24, 2018 ng Agosto sa San Pedro City Hall.
Layunin nitong bigyan ng kasanayan ang Pamahalaang Lokal at ang mga mamamayan ng Lungsod ng San Pedro na maging laging listo at handa sa anumang sakuna na maaring maganap tulad ng bagyo, baha, pagguho ng lupa at lindol lalo pa’t merong mga lugar sa ating lungsod na kabilang sa fault line.
Naging resource persons sina, LGOO II Wyeth N. Lumidao, LGOO III Vhernalyn Jacob at LGOO V Florable M. Ingel ng DILG Region IV-A at Ms. Rigene Ann F. Flores at Ms. Charmis Rivera ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office. Dumalo din sa nasabing pagsasanay sina City Administrator Engr. Filemon I. Sibulo, DILG Officer Jennifer Quirante at mga opisyal mula sa 12 barangay na kinabibilangan ng San Vicente, San Roque, Landayan, Pacita I, Pacita II, Rosario, Chrysanthemum, Fatima, San Lorenzo Ruiz, Calendola, Maharlika at United Bayanihan.
The post LISTONG PAMAYANAN TRAINING appeared first on .