Naglunsad ang ating PNP-San Pedro ng Project Blue Box upang makarating agad ang mga papuri, puna, reaksiyon, reklamo, sumbong, mungkahi, impormasyon na magtuturo sa mga kriminal o gawaing kriminal o anumang nais sabihin sa ating kapulisan upang mabilis na mabigyan ng solusyon kung ano man ang nagiging problema na inilunsad noong September 3, 2018.
Ayon kay Chief PCR Section Rolly L. Dahug na ang box ay nakalagay at makikita sa pagpasok sa lobby ng City Hall of San Pedro. Ito ay kukunin lamang sa araw ng Biyernes upang alamin at salain ang nararapat na aksiyunan. Ito ay kabilang sa mga programa ni PNP Chief Giovanni S. Martinez na isang malaking paraan na makakatulong sa kapulisan ng Lungsod ng San Pedro.
The post PROJECT BLUE BOX, INILUNSAD NG PNP-SAN PEDRO appeared first on .