Muli na namang pinatunayan ng Lungsod ng San Pedro ang patuloy na pagsusulong ng kapakanan ng mga bata. Sa ikatlong pagkakataon ay muling tumanggap ang ating lungsod ng “Seal of Child-Friendly Local Governance” award mula sa Department of Social Welfare and development Region IVA (CALABARZON) at Department of Interior and Local Government (DILG). Ang pagbibigay halaga sa ating mga kabataan ay sumasalamin sa isang pamayanang may malasakit at pagpapahalaga sa kanilang karapatan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz. Tinanggap nina CSWD Head Ma. Fatima C. Autor, ABC Pres. Diwa T. Tayao at miyembro ng Local Council for the Protection of Children ang award noong Agosto 20, 2018 sa Quezon Convention Center, Lucena City.
The post SAN PEDRO NAKAMIT ANG SEAL OF CHILD FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE SA IKA-3 PAGKAKATAON appeared first on .