May bilang na 567 pamilya ang nakatanggap ng programang Unconditional Cash Transfer (UCT) mula sa sa DSWD para sa ngayong taong 2018. Ang UCT ay isang tax subsidy program sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nagkakahalagang P2,400 pesos na ibinibigay sa bawat pamilya kada taon. Layunin ng programa na tulungan ang mga mahihirap na pamilya sa Lungsod ng San Pedro.
Ang mga namili sa mga beneficiaries ay sina Region IVA Officers John Mar Tolentino, Joan Villanueva at Mariel Reyes. Kanilang pinili alinsunod sa guidelines ang naninirahan sa tabi ng riles ng tren at mga estero. Ayon kay CSWD Head Fatima C. Autor, maaaring madagdagan pa ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ng halagang P300.00 para sa bawat pamilya sa susunod na taon. Ito ay naganap noong Agosto 21, 2018 sa San Pedro Astrodome Pacita Complex.
The post 567 PAMILYA NAKATANGGAP NG UNCONDITIONAL CASH TRANSFER (UCT) appeared first on .