Nagkaroon ng launching ang PNP San Pedro sa pangunguna ni PNP Chief Giovanni S. Martinez ng pagpapatupad ng “I-TODA MO!” noong Agosto 13, 2018. Layon nito na maging ligtas ang mga pasahero at mga tricycle drivers na mamasada sa gabi. Ang bawat TODA ay may hotline number na kung saan ay mabilis magresponde ang kapulisan sa anumang sakuna o holdapan na magaganap. Kabilang sa nairereport na laging may holdapan ay sa Pacita Complex, Rosario Complex at Chrysanthemum. Bukod dito, magsasagawa ng pagbabantay gabi-gabi ang ating mga kapulisan sa mga subdivisions at magkakaroon ng mga meeting sa mga Homeowners Association para sa kamalayan ng lahat.
The post “I-TODA MO” INILUNSAD NG SAN PEDRO PNP appeared first on .