Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

YOUTH SUMMIT ISINAGAWA SA LUNGSOD NG SAN PEDRO

$
0
0

 

Mahigit limang daang mga kabataan ang dumalo sa Youth Summit kaugnay sa pagdiriwang ng National Youth Day na may temang “2018 Safe Spaces for the Youth” na ginanap noong Agosto 11, 2018 sa San Pedro Astrodome na pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at DYSD Concurrent Head Aaron Calixto S. Cataquiz. Dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan ng lungsod na maibahagi ang kanilang sariling pananaw at obserbasyon sa mga social issues na meron sa kani-kanilang barangay at kung ano ang mga posibleng maitutulong at solusyon nito.
Kabilang sa mga naging panauhin ay sina NBI Anti Cyber Crime Division – Agent Christ Edgardo M. Añonuevo, Kabataan Party List Representative Hon. Sarah Jane Elago, Brgy. Based Drug Rehabilitation Program Coordinator Cedric Jornales at Youth Leader Charise Salvacion Velayo. Kanilang ibinahagi ang kahalagahan ng papel ng kabataan sa lipunan at ang kanilang kapasidad upang maging mas maayos ang lipunan. Nagkaroon din ng free concert ang Mayonnaise at Because Band, Macky Cao, Remy Luntayao at DJ Freak Boy.
Dumalo rin sina dating mayor Calixto Cataquiz, Jamie Ambayec, Bernadeth Olivares, Kent Lagasca at May Salazar ng ILSP. Ang Youth Summit ay pinangasiwaan ng Department of Youth and Sports Development (DYSD).

The post YOUTH SUMMIT ISINAGAWA SA LUNGSOD NG SAN PEDRO appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles