Nakatanggap ang San Pedro-PNP ng limang (5) motorcycle mula sa Peace & Order and Public Safety Plan (POPS Plan) sa Turn-Over ceremony na isinagawa noong July 9, 2018 sa San Pedro City Hall ground. Layon nito na paigtingin ang police visibility sa lungsod ng san Pedro upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan at maiwasan ang krimen. Naniniwala si PSupt. Giovanni S. Martinez, OIC-San Pedro CPS, na malaki ang maitutulong nito sa mga kapulisan para sa epektibong pagpatrolya at mabilisang pagdating sa pinangyayarihan ng krimen. Ang turn-over ceremony ay pinangunahan nina Admin Head Engr. Filemon Sibulo at DILG Officer Jennifer Quirante.
The post SAN PEDRO-PNP NAKATANGGAP NG LIMANG MOTOSIKLO appeared first on .