Binigyan ng pagkilala ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz si Rochelle C. Cariño Focal Person ng Gender and Development (GAD) bilang certified member ng CALABARZON Gender and Development Resource Pool matapos na kanyang maipasa ang examination sa National Economic Development Authority (NEDA).
Tinanggap ni Ms. Cariño ang kanyang parangal noong Hunyo 26, 2018 sa Hotel Marciano mula kay Regional Development Council Chairman Luis Banua.
Kasabay nito ay tumanggap rin si Wilfredo Morales bilang katanging-tangingempleyado ng Public Order And Safety Office na nagsoli ng P3,000 na nakuha sa kahabaan ng Garcia at Mabini Streets. Ito ay agad niyang dinala sa kanilang opisina upang i-report at maibigay sa tunay na nagmamay-ari.
Kinilala naman sa Bureau of Fire Protection ang mga Special Rescue Unit (SRU) na sina BFP Fire Officer Vernie Bergado, Jonathan Rodriguez at Rady Talingbatan na sumailalim kamakailan sa training ng Basic Rescue Technical Course sa National Fire Training Institute Camp Vicente Lim, Calamba Laguna .
Sa pamamagitan ng Program on Awards and Incentive for Service Excellence (PRAISE Committee) ay kanilang kinikilala ang bawat indibidual o grupo sa kanilang natatanging nagawa, pinakitanggaling, katapatan, kababaang-loob at dedikasyon sa trabaho. Ito ay binubuo ng Chairperson- Mayor Lourdes S. Cataquiz, Vice Chairperson- City Admin. Filemon I. Sibulo at Members na sina CHRMO Head Leah L. Morando, Legal Officer Atty. Don S. Luna at Budget Officer Lourdes L. Remolacio, Accounting Officer Napoleon Islan at SPCEA Cynthia Robles. Ang pagawad ay isinagawa noong Hulyo 2, 2018 kasabay ng Flag Ceremony ng San Pedro City Hall.
The post PRAISE COMMITTEE NAGBIGAY NG 3 PARANGAL appeared first on .