Nakibahagi sa isinagawang Kasalang Bayan ng lokal na pamahalaan ang 19 pares na nagsipag-isang dibdib sa lungsod na ito noong June 20, 2018.
Ang seremonya na pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ay isang programa na layong makapagbigay ng libreng seremonya ng kasal sa mga residente ng lungsod. Ani ng punong lungsod, hindi mahalaga kung magarbo o simple lamang ang kasal ng isang mag-asawa, mas mahalaga aniya ang patuloy na pagpapakita ng pagmamahal, respeto at paggalang sa isa’t isa upang magsilbing halimbawa sa lahat lalo’t higit sa kanilang mga anak.
Matapos ang pagbabasbas ay pinagkalooban ang mga bagong kasal ng libreng cake,buffet at photo services.
Nagpaabot naman ng malaking pasasalamat ang 19 pares sa inisyatibo ng pamahalaang lungsod upang tulungan silang gawing legal at may basbas ang kanilang pagsasama lalo na ang mga matagal nang nagsasama at walang kakayahan upang magpakasal ng maayos dahil sa kakulangang pinansyal.
The post 19 PARES LUMAHOK SA KASALANG BAYAN appeared first on .