Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

PRIME WATER SAN PEDRO BIBIGYANG SOLUSYON ANG MARUMING SUPLAY NG TUBIG

$
0
0

 

Nagsagawa ang Pamunuan ng Lungsod ng San Pedro kasama ang SPWD-Primewater at BAP Construction (Contractor ng ginagawang drainage) ng isang forum sa mga apektadong barangay upang pag-usapan ang mga hinaing tungkol sa patubig ng SPWD-Primewater. Dinaluhan ito ng mga apektadong mamamayan at pamunuan ng iba’t-ibang barangay tulad ng Sto. Niño, Cuyab, Nueva, Poblacion, San Roque at Landayan. Ito ay isinagawa sa Ceremonial hall noong Hunyo 11, 2018.
Kabilang sa mga nirereklamo ng mga tao ay ang kawalan ng supply ng tubig, marumi at mabahong tubig na lumalabas sa gripo at mahal na singil. Ayon kay SPWD-Primewater General Manager Guillermo Pili Jr, nagkaroon ng damage ang pipeline sa Rizal at Luna Sts., kung kaya’t agad nila itong ginawa at nilagyan na ng panibagong tubo. Dagdag pa nito na mayroong kasalukuyang programa ang primewater kung saan layon nito na maglagay ng pumping station upang magtuluy-tuloy ang supply ng tubig. Sa usapang water billing naman, ay patuloy anilang pag-aaralan at pag-uusapan ang naturang isyu. Sa mga mawawalan naman ng tubig, sinabi ni Engr. Rey Yepez na magkakaroon sila ng flushing o paglilinis ng mga linya ng tubo, at magbibigay ng announcement at leaflets na ipapakalat sa mga barangay na may nakalagay na schedule upang mapaghandaan ng mga residente ang pagkawala ng tubig. Hiling din nito na magbigay at mag update ng mga cellphone numbers ang mga residente upang makatanggap ng mga advisory.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Admin head Filemon I. Sibulo, Coun. Edgardo M. Berroya, Brgy. Chairmen Abet Alon-Alon, Abet Aquino, Boy Pastidio at Cora Amil.

The post PRIME WATER SAN PEDRO BIBIGYANG SOLUSYON ANG MARUMING SUPLAY NG TUBIG appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles