Dental Mission
Patuloy na ipinagkakaloob ng mga ispesyalista/dentista ng Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH) at City Health Office (CHO) personnel ang libreng dental services para sa mga inmates ng BJMP-San Pedro, na umabot sa 148 patients, upang maisaayos ang dental na pangkalusugan ng mga ito sa nasabing pasilidad. Ayon sa Head Dentist na si Dr. Medardo Ramirez, ang ganitong gawain ay bahagi ng kanilang mandato at programa na maihatid ang tulong dental sa mga San Pedronians, sang-ayon sa mahigpit na tagubilin ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, na magpaabot ng libreng serbisyo sa mga kababayang nasa loob ng piitan.
Medical Mission
Dalawang daan tatlongpu’t tatlong (233) mga bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP R-4A) sa lungsod ng San Pedro, ang natulungan sa tatlong araw na Medical Mission ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ng City Health Office (CHO) at Jose L. Amante Emergency Hospital personnel noong May 17, 18 at 22, 2018. Ayon kina Dr. Pablo Marcial, mga komadrona na sina Jacquilyn Enriquez, Madonna San Miguel at Epifanio Herrera, at staff nurse na si Jamille Ambayec, ito ay isang magandang pagkakataon na maipakita ng lokal na pamahalaan ang pagpapahalaga nito sa kalusugan ng mga inmates. Dagdag pa nila na ang karaniwang sakit na idinulog sa kanila ng mga bilanggo ay skin rashes, pigsa (boils), cough & cold, at hypertension. Bukod sa check-up ay nakatanggap din ng libreng gamot ang mga inmates.
The post DENTAL AT MEDICAL MISSION PARA SA MGA INMATES appeared first on .