Ang Pebrero ang tinaguriang “Buwan ng Pag-ibig” at bilang pakikiisa sa pagdiriwang nito ay nagdaos ng Kasalang Bayan ang Lokal na Pamahalaan ng San Pedro kung saan 26 na pares ang sabay-sabay na nag-isang dibdib sa lobby ng San Pedro City Hall noong ika-15 ng Pebrero, 2018. Kabilang sa mga ikinasal ang pinakamatandang pares na pawang mga balo na sina Alfredo Guerrero, 59, at Clarita Guerrero, 61.
Ang Kasalang Bayan sa lungsod ay bahagi ng social program nina City Mayor Lourdes S. Cataquiz at ng City Local Registrar’s Office, sa pamumuno ni Mr. Mario Liwanag, na ang pangunahing layunin ay maging legal ang pagsasama ng mag-asawa at maiayos ang mga dokumento ng pamilya.
Sa mensahe ni Mayor Cataquiz matapos na gawin niya ang panunumpa at pagpapatibay sa mga ikinasal, ibinahagi niya na kailangang ang mag-asawa ay laging magkatuwang sa pagsasama sa hirap man o ginhawa, at kailangang magkaroon nang maayos na komunikasyon kung merong hindi pagkakaunawaan. Aniya: “Darating sa buhay ng bawat isa na iiwan ng mga anak ang mga magulang para makapiling ang kanilang forever. Gawing God-centered ang buhay ng mag-asawa at ang Panginoon ang gawing sandigan sa lahat ng oras.”
The post 26 PARES PINAGTIBAY ANG PAGSASAMA SA KASALANG BAYAN appeared first on .