Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1652

BAGONG OPD NG AMANTE HOSPITAL BINASBASAN

$
0
0

 

Bukod sa modernong teknolohiya at “serbisyong may puso” na ibinibigay ng Jose L. Amante Emergency Hospital, inaasahang dadagsain pa ito ng San Pedronians na nais magpacheck-up sa oras na makompleto na ang bagong OPD (Out Patient Department)  na matatagpuan sa JLAEH annex.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz: “Nais ko na kung ano ang aking tinatamasa ay inyo ring tamasain, at mangyayari po lamang yun kung tayo po ay magtutulungan upang maisaayos at mapaganda ang kaanyuan ng San Pedro, kasama na rin ang pagpapaganda ng ating pampublikong ospital. Atin pong paghandaan ang ating future dahil tayo rin naman po ang makikinabang sa lahat ng ito.” Ito ay sinang-ayunan naman ni former mayor Calixto Cataquiz at binigyang-diin na ito ay ilan lamang sa kanilang napakaraming proyekto na mag-aangat sa buhay ng mamamayan ng San Pedro.
Dagdag nito, isinagawa din ang unveiling of marker ng bagong gusali, at ipinakita ang paglalagakan ng play area ng mga bata habang sila ay naghihintay na maisalang sa konsultasyon.
Ang pagbababasbas na ginanap noong Feb. 16, 2018 ay pinangunahan ni Rev. Fr. Rommel dela Cruz at dinaluhan ng barangay captains, Councilors Bernadeth Olivares, Bobot Berroya, Jimbo Ambayec at Kent Legasca, City Health Office officials and personnel, Federation of Senior Citizens, at Salt & Light International Missions, Inc.

The post BAGONG OPD NG AMANTE HOSPITAL BINASBASAN appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1652

Trending Articles