Inaasahang nalalapit na ang paglatag ng mga posibleng programa o City Development Plan for Children matapos na ilabas ng City of San Pedro Council for the Protection of Children (CSPCPC) ang Community Based Monitoring System (CBMS) statistics patungkol sa malnutrisyon, housing, basic education, income & livelihood, at iba pa, upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga mamamayan, partikular ang mga kabataan, at masolusyonan ang mga pangunahing suliranin ng lungsod.
Ang quarterly meeting ng CSPCPC ay pinangunahan nina DILG officer Jennifer Quirante at CBMS administrative officer Yvonne F. Geolingo, na dinaluhan ng mga department heads, religious organizations, PNP personnel, at private sectors. Ito ay isinagawa sa Ceremonial Hall noong ika-13 ng Pebrero, 2018.
The post COMMUNITY BASED MONITORING SYSTEM appeared first on .