Nagkaroon ng State Of Barangay Address (SOBA) ang lahat ng barangay mula March 11 hanggang March 25 na ginanap sa kani-kanilang lugar. Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang barangay ay inaatasang magsagawa ng naturang gawain ng dalawang beses sa isang taon upang lalong mapagbuti ang paglilingkod sa mamamayan.
Sa aktibidad na ito kailangan na ang barangay ay makapagbigay ng ulat sa pamamagitan ng SOBA. Tinalakay ng bawat pamunuan ng barangay ang estado ng mga programang naipatupad tulad ng programa sa sports development, annual budget para sa infrastructure, programa sa PWD’s, social services, scholarship, peace and order, health and sanitation at annual income ng barangay. Kasama rito ang financial report at budget, income, mga gastusin, transaksiyon at plano para sa loob ng isang taon. Malaking hamon rin ang droga ngunit katuwang naman nito ang Barangay Based Rehabilitation Program at Therapeutic Community Modality Program.
Nakiisa rin sina DILG Officer Jennifer Quirante, Barangay Chairman at kagawad, Office of the Mayor, CENRO Head Marilou Balba, City Treasurer Enelyn Abaigar, CDRRMO, CHO, NGO’s, HOA, PWD’s at Senior Citizens.