Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1584

2,013 NAKIBAHAGI SA CAREER GUIDANCE SEMINAR

$
0
0

Umabot sa 2,013 mag-aaral ang dumalo at nakiisa sa “Conduct of Career and Information Guidance Seminar” na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) mula ika-8 hanggang 10 ng Marso.

Ang mga mag-aaral ay nagmula pa sa San Pedro Relocation Center National High School – Landayan (Grade 9 at 10) at Langgam (Grade 11), Immaculate Heart of Mary School (Grade 9,10 at 11), at San Pedro Relocation Center National HighSchool – Langgam (Grade 10).

Ayon sa ulat ng PESO, naging matagumpay ang pagtatalakay ng mga speakers at facilitators ukol sa adolescent health, background on DOLE and PESO, pre-employment tips/preparation, labor market information, K-12, career planning, at prevailing minimum wage sa rehiyon.

Kabilang sina Mary Jane Corcuera, Provincial PESO Manager; Engr. Lauren Hernandez, City PESO Manager; Mark Tuazon, provincial PESO staff; Joselito Castillo, provincial PESO staff; Anjo Castillo, provincial Population Officer II; Iris Guerrero, PESO Focal Person San Pedro City; at Bayani Sofranes, PESO staff San Pedro City sa mga speakers/facilitators na naghatid ng kanilang mga pananaw sa naturang okasyon.

 

17192195_1379684595428250_7014069173305139053_o 17192264_1379684458761597_137866690351418051_o 17211932_1379684562094920_7655317208922171014_o 17240621_1379684068761636_1964513698841200828_o

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1584

Trending Articles