Umabot sa 2,544 na kabataan mula sa iba’t-ibang barangay ang nagsipagtapos sa pangkalahatang Day Care Center graduation noong March 14-17 na ginanap sa San Pedro Astrodome, Pacita Complex, San Pedro, Laguna.
Ang tema ngayong ika-43 taon ng day care education ay “Kagandahang Asal at Edukasyon, pagyamanin tungo sa matagumpay na mithiin.”
Ang mga Day Care Center ay matatagpuan sa mga sumusunod na lugar: Rosario, Poblacion, Bayan-Bayanan S.V., United Better Living, Estrella, Landayan, San Roque, Adelina I, Adelina IA, Langgam, Chrysanthemum, Nueva, St. Joseph DC, Sibulo, Maligaya II, United Bayanihan, Calendola, Sto. Niño, Filinvest, Laram, USPS, Holiday, Magsaysay Annex, SV, Magsaysay, CRC, Sampaguita, St. Josemaria, Elvinda, Camella Woodhills, Cuyab I, GSIS, Bagong Silang, Narra, Cuyab II, Riverside, Pag-asa, Blesses Caterina Cittadini, Landco GK Village at VOSHA Villa Olympia, Southville 3A, Southridge, Holiday Homes at Good World Stephen 1,2,3.
Bilang panauhing tagapagsalita, sinabi ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz na laging nakasuporta ang pamahalaang lungsod sa mga kabataan dahil sila ang mga susunod na lider sa darating na panahon. Ang lahat ng mga kabataang nagsipagtapos ay maganda at malayo ang mararating dahil ang ating lungsod ay mayroong public schools sa elementarya at sekondarya, San Pedro Technical Institute (SPTI) at higit sa lahat ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) San Pedro Campus.
Hiniling niya rin sa mga magulang na alagaang mabuti ang kanilang mga anak, pagtiyagaan at subaybayan ang kanilang pag-aaral upang marating ang kanilang mga adhikain na makapagtapos at magkaroon ng magandang buhay.
Punong abala sa pagtatapos si Fatima C. Autor, hepe ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at mga Day Care teachers.
Dumalo rin sa programa sina dating Mayor Calixto R. Cataquiz, Vice Mayor Iryne V. Vierneza, Councilors, Barangay Chairman at Kagawad at mga miyembro ng Rotary Club of San Pedro.
↧
2,544 NAGSIPAGTAPOS SA DAY CARE CENTER
↧