Bilang paghahanda sa isang pamuling pagkakaroon ng emergency drill patungkol sa kahandaan sa lindol, isa sa mga dumalo sa Inter-city meeting ng Laguna Shake Drill ng limang lungsod ng Laguna si San Pedro City Mayor Lourdes “Baby” Cataquiz . Ang pulong ay pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino na ginanap noong Agosto 25, 2015, ika-11:00 nang umaga sa Seda Hotel, Nuvali Sta. Rosa City. Ito nga ay dinaluhan ng mga kinauukulang opisyal at kawani ng mga lungsod ng San Pedro, Binan, Sta. Rosa, Calamba at Cabuyao. Kasama ni Mayor Baby na dumalo sina Asst. Administrator Jaime Ambayec, CSWD Head Fatima C. Autor, BFP, POSO, CFAU at PAIO staff upang sila ay magkaroon ng karagdagang kaalaman at maibahagi ang kaalamang ito sa lahat ng mga barangay.
Ayon kayChairman Tolentino, ”Magkakaroon ng simultaneous Laguna Shakedrill sa September 8, 2015 sa ganap na ika-10:30 ng umaga, kasama ang mga paaralan business establishments, simbahan, mga barangay, NGO’s at iba pa. Napakahalaga nito upang magkaroon ang lahat ng malalim na kaalaman, kasanayan at mga dapat gawin habang lumilindol. Wala tayong datos kung ilan ang mga maaapektuhan pero mayroon kaming mga marka kung saan ang west valley fault. Wala tayong pag-aaral kung ano ang mangyayari kaya mahalaga ang paghahanda. Bawat lungsod ay kailangang magkaroon ng evacuation center na madaling puntahan ng mga tao at advantage rin ang maraming open spaces. Willing kaming magprovide ng training dahil gusto kong maitaas ang awareness niyo sa lindol.”
Ayon naman kay Mayor Cataquiz, natutuwa siya dahil nabahaginan ng kaalaman ang mga taga San Pedro. Ang paghahanda ay makakatulong magligtas sa ating lahat kaya kailangang maraming drill ang dapat gawin. Nabanggit din niya na maraming bagyo at baha ang nagdaan na at tatlong (3) barangay ang affected pero zero casualty dahil sapat ang ginawang paghahanda. Nagpasalamat siya sa mga bumubuo ng MMDA dahil ang lahat nang ito ay para sa kinabukasan ng lahat.
The post YANIG NG LIMANG LUNGSOD SA LAGUNA “SHAKE DRILL” – IKA-8 NG SETYEMBRE, 2015 appeared first on .