Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, sa pangunguna ni City Mayor Baby Cataquiz, sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Wika ng Pambansang Kaunlaran” ngayong buwan ng Agosto sa City Hall ng San Pedro. Nagkaroon ng paligsahan sa pag-awit, pag-tula, pagkukuwento at talumpati sa loob ng tatlong araw na selebrasyon (Agosto 26, 27, 28). Ito ay nilahukan ng mga estudyanteng mula sa elementarya at sekondarya ng iba’t-ibang paaralan ng San Pedro.
The post MGA LARAWAN MULA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA – AGOSTO 2015 appeared first on .