Ang CSWD ng Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni Mayor Lourdes “Baby” Cataquiz at pamum,uno ni Bb Fatima Autor ay ipinagpapapatuloy ang pagtulong sa mga Senior Citizens at Differently Abled Persons.
Noong ika-11 ng Setyembre, 2015 may isang labing-apat na taong gulang na batang lalaki ang idinulog sa Tanggapan ng Executive Assistant dahil sa ito ay biglang nabalda matapos maglaro ng basketball. Ipinaalam ng kanyang magulang ang kanyang pangangailangan ng isang wheelchair. Ito naman ay dagling natugunan. Nabigyan ang bata ng isang wheelchair sapamamagitan ng tanggapan ng Executive Assistant sa pamumuno ni G. Aaron Cataquiz. Ang rehabilitasyon at pagtugon sa iba pang pangangailangan ay idinulog naman sa tanggapan ng CSWD sapamamagitan ng kanyang sariling Social Worker..
Isa ito sa mga programa para sa mga Differently Abled Persons (DAP) na kilala rin sa tawag na persons with disability. Ang mga Differently Abled Persons at Senior Citizens na mga taga San Pedro ay nakikinabang sa mga programa ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa pamumuno ni Bb. Fatima Autor.
Sa quarterly report ng Departamento (Hunyo – Hulyo 15, 2015), ang kabuuang bilang ng mga seniors na nakarehistro ay 2,743 (babae at lalaki), 881 na lalaki, at 1118 na babae. May naipamahagi na 744 Senior I.D.’s. Ang mga I.D. na ito ay makakatulong sa mga Seniors upang makinabang sila sa mga diskwento sa ilalim ng Republic Act 9994.
Mayroon ding burial assistance para sa mga Seniors na pumanaw na. 213 ang kabuuang bilang ng Seniors ang nakatanggap na ng burial assistance, 107 na lalaki at 106 na babae.
18 ang nabigyan, 37 na pinapalitan, 194 applications ang pinoproseso, ang kabuuang bilang ng mga nakinabang ay 362.
Tumanggap din ang mga seniors ng libreng PHILhealth coverage. Walong (8) batch ang tumanggap kaya’t naging 2,072 senior citizens ang napaglingkuran.
Mahigit na pitong libo (7,197) ang kabuuang bilang ng seniors na tumanggap ng medicine booklets, DTI booklets, agri-booklets, at
certifications.
Sa mga programa ng CSWD bata o matanda man, mayroon nang nakalatag ang CSWD para sa kanila. 258 (DAP) ang bagong rehistrong matatanda at 126 ang bagong rehistrong bata. Nagissue din ang CSWD ng mga booklets para sa DAP’s na Medicine at Agri-Booklets. Apatnapu’t pitong (47) booklets din ang nakaissue sa mga DAP.
Labing-walong (18) activities ang ginanap para sa mga Differently Abled Persons. Nagkaroon ng isang (1) chapter formation organizing, tatlong (3) proyekto sa livelihood projects na sinusubaybayan, isang (1) symposium/seminar at labing tatlo (13) pulong na dinaluhan.
The post SENIORS AT DIFFERENTLY ABLED PERSONS: NAKIKINABANG SA PROGRAMA NG CSWD. appeared first on .