“We will GO FOR THE GOLD.”
Ito ang isa sa mga ipinangako ni City Mayor Baby Cataquiz sa taumbayan ng San Pedro matapos niyang tanggapin ang Seal of Good Housekeeping Silver Grade na ipinagkaloob ni dating DILG Region 4 Director Josefina Castilla-Go sa ginanap na Inauguration Ceremony ng Cityhood ng San Pedro noong Pebrero 20, 2014. Noong Pebrero 2013 ay ginawaran ng DILG ang noo’y Municipality ng San Pedro ng Seal of Good Housekeeping Bronze Category sa ilalim ng pamamahala ng dating Mayor Calixto R. Cataquiz.
Pagkalipas lamang ng mahigit isang taon ng kanyang panunungkulan bilang City Mayor, tinupad ni Mayor Baby ang pangakong ito nang kanyang tanggapin mula kay DILG Calabarzon Regional Director Renato Briones ang SEAL of GOOD LOCAL GOVERNANCE, ang ikatlong award ng San Pedro sa good governance na katumbas ng Gold Catergory ng dating Seal of Good Housekeeping Award. Ang pagbibigay ng SGLG Award ay ginanap sa isang maringal na palatuntunan sa Development Academy of the Philippines (DAP) sa Tagaytay City noong Setyembre 2, 2015.
Ang parangal ay pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamamahalang lokal sa larangan ng Good Financial Housekeeping, Social Protection, Environment Management, Business Friendliness and Competitiveness, Disaster Preparedness at Peace and Order.
Ang SGLG Award , na pinirmahan ni DILG Secretary Mar Roxas, ay sumasagisag sa landasin ng Pamahalaang Lokal ng San Pedro patungo sa “local good governance upholding the standards of transparency, integrity and service delivery”.
Kalakip ng tinanggap sa parangal ay ang cash award na P3 milyon na ilalaan sa priority projects ng lokal na pamahalaan.
The post SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, KATUPARAN NG PANGAKO NI MAYOR BABY SA TAUMBAYAN appeared first on .