Magkakaroon ng pulong ang iba’t-ibang sektor at barangay simula September 2-4, 2015.
Ito ang napagkasunduan sa pulong ng limang lungsod na nagtatakda ng isang sabayang “Laguna Shakedrill” na lalahukan ng mga mamamayan ng mga lungsod ng San Pedro, Biñan, Sta. Rosa, Calamba at Cabuyao kasama ang iba’t-ibang sector. Ayon kay MS Amelia Buhat ng Metro Manila Development Authority, magkakaroon ng sabayang (simultaneous) Laguna Shakedrill sa September 8, 2015 sa ganap na 10:30 na umaga.
Magkakaroon ng 2 quadrants sa Lungsod ng San Pedro. Ang isa ay ilalagay sa San Pedro City Plaza at ang pangalawa ay sa Fr. Masi St. sa Sisters of Mary Immaculate na magsisilbing Incident Command System (ICS). Ang ICS ay binubuo ng mga seksyon ng administration, medical, planning, logistics, operations, kitchen, mess hall at latrine.
Ang mga dumalo sa paghahandang pulong nang ika-1 ng Setyembre, 2015 sa Pavilion Hall ng Lungsod ay sina Mayor Lourdes S.Cataquiz, Administrator Filemon I. Sibulo, mga Department Heads, CDRRMC, BFP, BJMP, PNP, Senior Citizens, SPARC, City Health Office, Red Cross, DILG, Communication Group, Meralco, PLDT at SPWD.
Ang mga kinatawan mula sa MMDA ay sina Amelia Buhat, Arlene Salvador, Eden Rayo at Leovi Olayte, Jr.
The post PAGHAHANDA PARA SA LAGUNA SHAKEDRILL NG SETYEMBRE 8, 2015 appeared first on .