“Ang pakikinig sa mga Bata at Kabataan ay Daan Upang Tulungan Silang Lumaki na Malusog at Ligtas”, ang tema ng pagdiwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week sa bawat barangay ng Pamahalaang Lunsod ng San Pedro, Nov. 17-24. Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang huling araw ng pagdiriwang na sinimulan ng alay lakad na hinati sa tatlong assembly areas: Shopwise Pacita Complex, Calendola (Total) at Alaska (San Antonio) patungong San Pedro City Plaza. Layon ng programang ito na tumugon at tumupad sa programang nasyonal, mas paigtingin at palakasin pa ang kampanya kontra droga at magkaraoon ng isang lipunang walang droga o drug-free city. Kabilang sa mga dumalo ay sina: EA Aaron Calixto Cataquiz:, PNP Chief P/Supt. Giovanni Martinez, Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Councilors, BADAC, CADAC, Department Heads, Barangay Chairman at kagawad, mga mag-aaral, NGOs, Homeowners associations, youth organizations, SKL at iba pa na pinangasiwaan ng City Planning Development and Coordinators Office.
Photos by: Joey Castillo and Thirdy Caponpon
The post DRUG ABUSE PREVENTION AND CONTROL WEEK appeared first on .