Ginawaran ng Certificates of Appreciation ang apat na piling mag-aaral mula sa elementary schools ng Barangay San Antonio na sina Edjel Bolima, Melvic Ebojo, Rogel Isayas at Joshua Cabato sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa San Pedro City Hall , Nov 19. Ito’y bilang pagkilala sa kanilang isinulat na awiting rap na nauukol sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot na kanilang inawit sa araw na ito. Kabilang sila sa mga mag-aaral sa elementarya na nagtapos sa Drug Abuse Resistance Education mula Jun 16 hanggang Oct 18 na pinangasiwaan ng PNP. Binigyan naman ng Certificates of Recognition sina Justice Rodrigo V. Cosico, Grand Knight ng Knights of Columbus Council 11954 at para kay Rev. Ricardo M. Pajutan ng Holy Family Parish ng Brgy. Sampaguita bilang pagkilala sa kanilang pagtulong sa mga persons deprived of liberty. Ang mga nasabing parangal ay iginawad nina Mayor Lourdes S. Cataquiz at P/Supt. Giovanni Martinez.
Photos by: Joey Castillo
The post MGA BATANG RAPPERS AT IBA PANG DAKILANG SAN PEDRONIANS PINARANGALAN appeared first on .