Star of the month ang mga kabataan ngayon buwan ng Oktubre dahil ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ang National Children’s Month na may temang: “Isulong Tamang Pag-aaruga sa Bata” na ginanap sa San Pedro Astrodome noong October 17, 2018. Tinampukan ng mga patimpalak na nilahukan ng mga day care students kasama ang kanilang mga magulang, mula sa 55 day care centers ng lungsod sa isang araw na pagdiriwang ng iba’t -ibang kompetisyon kagaya ng singing, chorale competition, folk dance at draw and tell. Layunin ng programa na sa murang edad ng mga bata ay mapukaw ang kanilang interes sa pagpapalawak ng kanilang mga kakayahan at potensyal sa magkakaibang larangan. Ang nanalo sa singing contest ay Laram DCC, sa chorale competition first place ang Elvinda DCC, second place ang Laram DCC at third place ang United Bayanihan DCC. Sa folk dance, first place ang Laram DCC, second place ang Magsaysay DCC at third place ang Pacita 2A DCC. Sa draw and tell naman ang nanalo ay Rosario DCC. Ito ay sinuportahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at pinangasiwaan ni City Social Welfare and Development Office (CSWD) Head Fatima C. Autor.
Photos by: Thirdy Caponpon
The post MGA BATA BUMIDA SA CHILDREN’S MONTH CELEBRATION appeared first on .