Mahigit dalawang libo ang nagtipon-tipon at nakiisa sa Alay Lakad 2018 na may temang “Kabataan Suporta sa Bayan”. Pinangunahan nina City Mayor Lourdes S. Cataquiz, Gov. Ramil Hernandez, Vice Gov. Karen Agapay, Sangguniang Panlungsod, Former Mayor Calixto R. Cataquiz at Chit Amora ng Lions Club of San Pedro bilang Lead Group na ginanap sa San Pedro City Plaza noong Oktubre 21, 2018. Ito ay taunang itinataguyod ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng CSWD para sa mga kabataang walang kakayahang makapag-aral dahil sa kakapusan sa pananalapi. Ang mga kalahok ay hinati sa tatlong assembly areas sa Shopwise Pacita Complex, Calendola (Total) at Gateway Park (San Antonio). Ang meeting time ay 5:30 a.m. at ang starting time sa paglakad 6:00 a.m. patungo sa San Pedro City Plaza. Nakalikom ng P318,000.00 piso mula sa mga nakiisa sa walk for a cause na mapupunta sa lahat ng miyembro ng out-of-school youths. Kabilang sa mga dumalo ay mga iba’t ibang sektor na pampubliko at pribado, pamunuan ng mga Barangay, pampubliko at pribadong paaralan sa high school at kolehiyo, government at non-government organizations, homeowners’ associations, religious groups, senior citizens, youth groups, Samahang Kababaihan/Kalalakihan ng Laguna at marami pang iba.
Photos by: Joey Castillo, Thirdy Caponpon and Bobby Acosta
The post “KABATAAN: SUPORTA NG BAYAN” ALAY LAKAD 2018 appeared first on .