Mga makabago at mabisang patakaran at paraan para sa pagsasakatuparan ng mga proyekto ng mga Local Government Units (LGUs) para mga informal settlers ang iminungkahi ni San Pedro City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa mga pangunahing urban planners, property developers at environmental planners ng bansa sa ginanap na 24th National Convention ng Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP) noong Ika-6 ng Nobyembre 2015 sa Asian Institute of Management Conference Center sa Paseo de Roxas, Lungsod ng Makati.
Naging tema ng kumperensya ang “Reimagining the Filipino City” kung saan ibinahagi ng mga panauhing tagapagsalita ang mga programa at usapin ukol sa urban planning kabilang ang master planning, transport, environment at technology.
Dinaluhan ng mahigit kumulang 250 urban planners, environmentalists, inhinyero, arkitekto, at iba pang mga matataas na opisyal ng pamahalaan at pribadong sector ang nasabing kumbensiyon.
The post MAYOR CATAQUIZ DUMALO SA 2015 NATIONAL CONVENTION NG PHILIPPINE INSTITUTE OF ENVIRONMENTAL PLANNERS appeared first on .