Sa pagdiriwang ng National Diabetes Month ngayong buwan Nobyembre, isang Free Blood Sugar Testing ang inihandog ni City Mayor Baby Cataquiz sa mga taga-San Pedro. Ang Libreng Blood Sugar Testing na pinangasiwaan ng City Health Office ay ginanap sa RHU 1, barangay Poblacion kaninang umaga ng 8:00 hanggang 10:00 ng umaga.
Mahigit limampung mga taga San Pedro edad 40 pataas ang nabigyang serbisyo. Bukod sa Free Blood Sugar Testing, namigay din ng flyers na patungkol sa sakit na diabetes.
Ang mga flyers na napamahagi ay naglalaman din ng impormasyon kung paano makakaiwas sa diabetes at mga pamamaraan kung paano makamit ang healthy lifestyle.
Ang Libreng Blood Sugar Testing ay isa sa mga kalidad na serbisyong handog ni City Mayor Baby Cataquiz.
The post FREE FASTING BLOOD SUGAR (FBS) SCREENING MATAGUMPAY NA GINANAP NGAYONG UMAGA appeared first on .