Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1578

WASTONG PAGGALANG SA WATAWAT IBINAHAGI NG SAN PEDRO PNP

$
0
0

Nagbigay ng impormasyon ang PNP-San Pedro tungkol sa Republic Act No. 8491 (Flag and Heraldic Code of the Philippines) sa tamang paggamit, paggalang at pangangalaga sa watawat ng Pilipinas, noong Setyembre 10. Ayon kay PNP Chief Giovanni Martinez, mas magiging mahigpit ang kapulisan sa pagpapalaganap ng batas na ito.

Tuwing tinutugtog ang Pambansang Awit sa flag-raising ceremony o sa umpisa ng mga programa gaya sa sinehan, kinakailangang tumayo nang tuwid habang umaawit at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. Kailangan ding huminto ang mga sasakyan at ang mga naglalakad sa mga pagkakataong ito.

Ayon kay PO2 Longernie Bajan, noong Pebrero 1998 pa naisabatas ang R.A. 8491 ngunit hindi ito nabibigyan ng pansin. “Kailangang ibalik ito sa ating mga puso at maipatupad,” aniya. Dagdag pa rito, mahigpit na ipinagbabawal ang sirain, dumihan o pabayaang sumayad o nakalaylay sa lupa ang watawat. Hindi ito maaaring gamiting palamuti at bawal din magdagdag ng salita, pigura, marka, litrato o disenyo sa watawat. Magbabayad at makukulong naman ang sinomang mapatunayang lumabag sa nasabing batas.

The post WASTONG PAGGALANG SA WATAWAT IBINAHAGI NG SAN PEDRO PNP appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1578

Trending Articles