Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

MGA TANOD ATBP. SUMAILALIM SA BARANGAY PEACEKEEPING ACTION TEAM TRAINING

$
0
0

 

Aktibong nagpartisipa ang mga Barangay Tanod, Lupon, POSO-TMU at VAWC group sa isinagawang “Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Training/Seminar” sa Pavilion Hall ng San Pedro City Hall noong Aug. 3, 2018. Dito’y ipinaunawa sa kanila ang nilalaman ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drus Act), RA 9262 (Violence Against Women & Children), RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) at Barangay Justice System cases mula kina Attorneys Rosalyn Canto-Hernandez, Abbygaile Gonzales at Vericson Quite. Ibinahagi naman ni SPO1 Rommel Calanog ang mga paraan ng pagreresponde at pag-aresto katuwang ang iba pang magigiting na kapulisan ng lungsod na nagpakita ng arresting techniques.
Sa kanyang mensahe, pinahalagahan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz ang mga papel ng mga barangay tanod, lupon, at iba pa, sa pagtataguyod ng katahimikan sa mga barangay na isa sa pinakamahalagang sangkap upang maisulong ang kaunlaran sa komunidad. Kaya’t nanawagan ang alkalde na makipagtulungan ang mga ito sa mga kapulisan, aktibong magronda sa bawat sulok ng barangay, at maging laging alerto upang agarang maagapan ang anumang banta ng krimen. Kasabay nito ay nangako si Mayor Cataquiz ng mga susunod pang seminars na magbibigay ng panibagong kaalaman hinggil sa epektibong pagganap sa kani-kanilang tungkulin at ang kapangyarihang saklaw na naaayon sa batas. Bukod dito, ay mamimigay din siya sa bawat barangay ng mga uniporme, bisikleta, posas at iba pang mga gamit na makatutulong sa kanilang pagresponde.
Sumuporta sa naturang pagsasanay sina ABC President Diwa Tayao, CPDCO Lirio Rivera, mga kagawad, at hepe ng PNP-San Pedro na si P/Supt. Giovannie Martinez.

The post MGA TANOD ATBP. SUMAILALIM SA BARANGAY PEACEKEEPING ACTION TEAM TRAINING appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles