Naging masigasig ang patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan ng San Pedro sa pag-iimplementa ng polisiya hinggil sa Smoke-Free City o ang Municipal Ordinance 2011-39 (Anti-Smoking Ordinance) at Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Aug. 1, 2018, pinangunahan ng City Health Office ang distribusyon ng kopya ng Municipal Ordinance sa mga sari-sari at convenience stores, at mga paaralan. Siniyasat din ang mga establisyimento na nagtitinda ng sigarilyo na may layong hindi hihigit sa 100 metro sa mga eskwelahan, klinika o ospital, plaza, at pampublikong establisyimento.
Kamakailan ay hinimok ni CHO-Health Promotion Officer Joseph Raymond Peloton ang City Junior Officials at ang Day Care teachers and parents sa barangay Pacita 1 na makiisa sa kampanyang ito, sabay bigay ng babala sa mahigpit na parusa sa sino mang lalabag sa Anti-Smoking Ordinance ng lungsod. Layunin ng kampanyang ito na tuluyan nang matuldukan ang adiksiyon sa sigarilyo na nakasisira sa kalusugan ng gumagamit at nakakaamoy nito.
The post KAMPANYA SA SMOKE-FREE CITY PINAIGTING appeared first on .