Inihalal na ang mga bagong opisyales ng LNB (Liga ng Barangay) na pinamunuan ni, ABC President Diwa T. Tayao ng Bgy. San Vicente, na sinundan nina; Vice President Romel D. Anchoriz, Auditor Christian Albert Aquino, at mga Board of Directors na sina; Abelardo V. Alon- Alon, Edwin R. Cardino, Ernesto Doncillo, Danrico T. Mindanao, Maria Rosario Campos, Rodolfo V. Dimaunahan, Jr., Jesse James A. Ting at Calixto H. Alviar. Ang “LNB (Liga ng Barangay) Election” ay isinagawa noong ika-16 ng Hulyo, 2018, sa Pavilion Hall ng San Pedro City Hall. Ito ay pinangunahan ng Election Committee na binubuo nina Elecom Chairman Rodolfo V. Dimaunahan, Jr. (Bgy. Calendola) at Elecom Members Ronaldo A. Orlain (Bgy. GSIS) at Adriano D. Guillergan, Jr. at mga Board of Canvassers na sina Chairman Merlito Edwin D. Palomar (Bgy. Laram) at members Calixtro H. Alviar (Bgy. United Bayanihan) at Raymundo B. Canindo (Bgy. Estrella). Nakibahagi din ang Election Supervisors na sina CLGOO-Calamba Lenie R. Bautista, San Pedro Lions Club Vice President Wilfredo Guico, Parish Pastoral Council President Deo L. German, DEPED District Supervisor Jovito M. Barcenas at Election Officer IV Atty. Mitzelle Veron Castro; former mayor Calixto R. Cataquiz, City Administrator Engr. Filemon I. Sibulo at DILG Officer Jennifer S. Quirante.
Ani ABC President Diwa Tayao: “Magtulungan po tayo at magkaroon ng pagkakaisa upang maging maayos ang bawat barangay, tulad ba rin po ng matagal ng hinahangad ng ating Punong Lungsod na si Mayor Lourdes S. Cataquiz.”
The post MGA BAGONG OPISYALES NG LIGA NG BARANGAY, INIHALAL appeared first on .