Bakante, maaliwalas at maayos na ngayon ang Sitio Pinagkaisa sa Brgy. San Antonio matapos na maisagawa ang clearing operations dito na pinangasiwaan ng City Urban Development Housing Office sa pamumuno ni Ms. Melizza Tipon at City Anti-Squatting na pinamumunuan naman ni Ms. Arlene Quinto.
Ayon kay Quinto, binigyan ng financial assistance ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at inilikas ang 68 pamilya sa may Bayan Bayanan, Brgy. San Vicente upang sila ay makapagsimula na ng panibago at maayos na pamumuhay na may sariling bahay, kuryente at tubig; malapit sa paaralan at health centers, at higit sa lahat, malayo sa nakagisnan nila sa ilalim ng tulay kung saan napakadelikado at magulo ang kapaligiran.
The post CLEARING SA SITIO PINAGKAISA BRGY. SAN ANTONIO, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA appeared first on .