Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ang buwan ng Abril sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang mga makabuluhang programa sa nakaraan at kasalukuyang buwan. Dito’y inilatag ng Public Affairs and Information Office (PAIO) ang kanilang mga duties and responsibilities at accomplishment report ng nakaraang taon. Pinasalamatan naman ni Sr. Insp. Alma Cassandra Gardoce, city fire marshall, ang lahat ng nakilahok at nakiisa sa selebrasyon ng Fire Prevention Month.
Samantala, naging mainit naman ang pagbubukas ng 11th World Autism Awareness Day (WAAD), na may temang “Empowering Women and Girls with Autism,” na pinangunahan ng PNP San Pedro. Layon nito na mabigyan ng otorisasyon o empowerment ang mga kababaihan at kabataang may autism at ibilang sila sa pagsasagawa ng mga desisyon at makabuluhang gawain at programa sa lipunan. Sa flag raising event na ito din isinagawa ang pamamahagi ng libreng portbale welding kits sa mga nagtapos ng welding program ng Malasaga Institute of Technology. Dagdag nito, inanyayahan ni head nurse Riah Fojas ng City Health Office (CHO) ang lahat ng mga kawani ng lokal na pamahalaan na makilahok sa “Biggest Loser” kung saan isinusulong nila ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Makatatanggap ng P50,000 ang magwawagi sa naturang patimpalak.
The post ISANG KAPANA-PANABIK NA BUWAN NG ABRIIL appeared first on .