Umabot sa 2,637 mag-aaral ng Day Care Center mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod ng San Pedro ang masiglang nagsipagtapos at nagkamit ng mga karangalan at katibayan ng pagkilala sa unang bahagi ng kanilang pag-aaral. Isinagawa ang “Ika-44 Taong Araw ng Pagkilala sa mga batang sumailalim sa pagsasanay sa Day Care Service Program” sa pamamagitan ng isang programa na ginanap mula March 20 hanggang 23, 2018.
Sa mensahe ni dating mayor Calixto Cataquiz, ipinahatid niya ang kanyang buong paniniwala na ang mga kabataang ito ang susunod na mga haligi ng kaunlaran ng lungsod ng san Pedro. Nagpasalamat din ang dating alkalde sa mga magulang, mga guro ng Day Care Centers, mga Barangay Officials, City Social Welfare Office, at lahat ng naging instrumento sa tagumpay ng mga mag-aaral dahil aniya, ang Day Care workers ay hindi tumitigil na mapaangat pa ang kanilang kakayahan para makapagbigay ng mataas na antas ng edukasyon sa mga mag-aaral.
The post 2,637 MAG-AARAL NG DAYCARE CENTER, NAGSIPAGTAPOS appeared first on .