Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang flag ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lungsod kasabay ng pagdiriwang ng ika-50th anniversary ng Association of Southeast Asian Nations (Asean). Dito’y inatasan ang lahat ng mga kawani na magsuot ng Asean Costume kung saan nagwagi sina Jomar Temprosa ng Sangguniang Panlungsod at Marlon Padua ng CENRO ng “Best Asean-inspired costume award”. Inirepresenta ni Temprosa ang bansang Myanmar, habang Cambodia naman ang kay Padua.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang Cultural and Social Outreach Mission, Salt and Light International World Mission, Inc. at Jecheon Sungdo Church, Jecheon City, South Korea. Dito’y ipinakita nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng pagsayaw at pagtugtog, na ginanap noong November 6, 2017 sa Cityhall.
The post LUNGSOD NG SAN PEDRO NAKIISA SA PAGGUNITA NG IKA-5O ANIBERSARYO NG ASEAN appeared first on .