Mas pinaigting pa ang pagpapalawig ng impormasyon hinggil sa smoking ban sa lungsod ng San Pedro ng City Health Office, sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, matapos na isa-isahin ni CHO-Health Promotion Officer Joseph Raymond Peloton ang mga departamento ng City Hall upang hikayatin ang bawat isa na itigil na ang paninigarilyo lalo na sa mga pampublikong lugar. Hinikayat din nito ang Public Order and Safety Office (POSO) at Traffic Regulation Unit (TRU) na manghuli ng mga lalabag sa “anti-smoking ordinance.”
Nakapaloob sa ordinansa na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar na ginagamit, pagmamay-ari o kontrolado ng city government kabilang dito ang mga pampublikong plaza, palengke, ospital at eskwelahan. Layon ng Pamahalaang Lungsod na makamit ang Red Orchid Award – pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Department of Health sa mga institusyon na may 100 percent tobacco-free environment.
The post DAAN PATUNGO SA 100% “TOBACCO FREE ENVIRONMENT” appeared first on .