ika-29 ng Oktubre 2015 – isang pagpirma ng kasunduan ang namagitan sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro at Muntinlupa na tinaguriang Adopt a River Project sa Gateway San Pedro.
Si San Pedro City Mayor Lourdes S. Cataquiz, Muntinlupa Mayor Jaime R. Fresnedi, Coun. Delio L. Hatulan, Division Chief III Reena L. Buena, at Lake Management Office Chief (Muntinlupa) Valentino D. Niefes ang pumirma sa kasunduan na nakatutok sa pagpapanibagong sigla ng Tunasan River.
Ayon kay Ms. Buena, may mga pag-aaral na nagpapakita na ang Tunasan River ang syang may pinakamalalang kalagayan sa buong Metro Manila. Ito ang nagbunsod upang itulak ang pagkakaroon ng isang panlungsod na ordinansa ukol sa proteksyon o pangangalaga ng ilog na siya namang naging dahilan upang maisagawa ang pagpirma sa isang kasunduang pangkapaligiran tulad ng nabanggit.
The post PAGPIRMA NG KASUNDUANG PANGKAPALIGIRAN appeared first on .