“Nakasalalay ang pag-unlad ng negosyo sa paraan ng pagpapatakbo nito.” Ito ang binigyang-diin sa dalawang araw na forum, “Guide to Repair & Service Shop Accreditation” at seminar on “Business Planning” na isinagawa ng pamahalaang lungsod sa, pangunguna ng Bottom-up Budgetting Office, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na isinagawa sa Multi-Purpose Hall ng San Pedro City Hall, Agosto 23 at 24, 2017.
Ibinahagi ni Caesar Apolinar Ramirez, Jr., independent consultant for entrepreneurship, ang kahalagahan ng pagtatayo ng sariling negosyo o prangkisa (franchise) dahil sa kasalukuyang paghina ng kalakalan sa mundo na epekto ng global crisis kung saan daan-daan ang nawawalan ng trabaho bawat araw.
Tinalakay din nito ang business/strategical planning o detalyadong pagpaplano sa negosyo at ang mga bagay na kailangan sa pagtatayo ng sariling negosyo, puhunan, lokasyon, at iba pa.
Sina Christian Ted Tungohan, Trade & Industry Development specialist, Consumer Protection Division; Francisco Reyes, Supervising Technical Education Skill Dev’t specialist, TESDA IV-A; Monica Czarina Ferrer, DTI-Laguna TIDA; at Cesar German Gerpacio, Consumer Protection Division OIC ang nagpaliwanag sa mga paraan ng pagkuha ng mga kailangan/requirements sa pagpapatayo ng negosyo o prangkisa; Barangay Micro Business Entreprises (BMBEs) Act of 2002, mandato sa pagbibigay ng akredistayon at ang kahalagahan ng skills certification sa consumers/workers/employers.
The post SAN PEDRONIANS HINIKAYAT NA MAGNEGOSYO appeared first on .