Tiniyak ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang paraan upang mabigyan ng solusyon ang matinding traffic sa lugar ng United Bayanihan, Calendola, Villa Olympia, Rosario Complex, Landayan, Magsaysay Road San Antonio at iba pa. Kailangang magkaroon tayo ng disiplina sa sarili at sumunod sa mga batas na pinag-uutos na mahigpit na ipinagbabawal ang double parking at anumang uri na nakakasagabal sa pangunahing mga daan, lansangan at bangketa higit sa lahat ang mga mangangalakal at negosyante.
Nagsagawa ng seminar ang Public Order and Safety Office (POSO) na dinaluhan ng lahat ng traffic enforcers ng barangay na kung saan tinalakay ang “Barangay Traffic Augmentation Capacity Building Orientation” ang bagong batas at regulasyon na isasakatuparan at naglalayong gawing mas epektibo ang mga barangay tanod at traffic enforcers sa pagtupad ng kanilang tungkulin ng batas trapiko sa lungsod na isinagawa sa Multi-purpose hall noong July 26, 2017.
The post DISIPLINA SA SARILI: PINAKAMABISANG SOLUSYON SA TRAPIKO appeared first on .