Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan ng lungsod ay kailangang puksain ang lamok para makaiwas sa sakit na dengue, nagsagawa ng seminar si City Mayor Lourdes S. Cataquiz patungkol sa Dengue Prevention and Control Program na may temang “War Against Mosquito”. Tinalakay ang mahahalagang impormasyon upang puksain ang mga lamok na nagdudulot ng malubhang sakit. Dinaluhan ng mga guro mula sa pampubliko at pribadong paaralan ng San Pedro sa Multi-Purpose Hall.
Ipinaliwanag ni Provincial Health Officer Engr. Rainier L. Palos ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran, pag-iwas sa di-wastong pagsasagawa ng fogging/misting sa inyong lugar, maagap na pagpapatingin sa Health Center kung may napansin na sintomas ng dengue at paggamit ng proteksyon sa sarili laban sa mga lamok o 4S na naglalayong maka-iwas sa sakit na dengue. Pinangasiwaan nina City Health Officer Dr. Robert R. Olivarez, Head nurse Riah R. Fojas at City Health Office staff ang programa katuwang ang Department of Health.
The post WAR AGAINST MOSQUITO: DENGUE PREVENTION AND CONTROL PROGRAM appeared first on .