Pinamunuan ng City Planning and Development Coordinator’s Office (CPDC) ang naturang programa na may nailigtas nang 37 drug surrenderees, na siya namang sinuportahan ng pamahalaang lungsod, sa pamumuno ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), City Admin. Filemon Sibulo, Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Lion’s Club, barangay chairmen at mga kagawad, at volunteers. Dito’y pinarangalan din ang mga head and staff ng City of San Pedro na naging bahagi sa pagtatagumpay ng nine-week rehab program. Ang naturang recognition day ay ginanap sa Pavilion Hall, May 26, 2017.