Ika-8 ng Oktubre, 2015 – Bilang pagbabantay ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa kalusugan ng mga San Pedronians, isinagawa ng City Health Office ang misting o fumigation laban sa lamok sa Colina Subdivision sa Barangay San Antonio. Ito ay isa lamang sa tuluy-tuloy na pagfufumigate sa mga lugar
na nangangailangan nito sa buong Lungsod ng San Pedro.
Isang halimbawa ng naging biktima ay si Christin D. Batilaran, isang 36 na taong gulang at naging pasyente sa Divine Mercy Hospital dahil sa dengue at nakarecover naman matapos ang limang araw na pagkakaconfine dahil sa pagbaba ng bilang ng kanyang platelets. Si Batilaran ay isa sa mga mamamayan ng Colina Subdivision.
The post MISTING O FUMIGATION KONTRA LAMOK ISINAGAWA SA COLINA SUBDIVISION, BARANGAY SAN ANTONIO appeared first on .